Paunang Salita sa Mga Mag-aaral

Ako ay nalulugod at binigyan ninyo ng pansin ang napag-usapan nating pamamaraan kung paano ninyo maipagpatuloy ang pag-aaral ng Panimulang Lingguwistika kahit na sa labas ng silid-aralan. Ang blog page na ito ang siyang mag-uugnay sa inyo  sa inyong kapwa mag-aaral at sa inyong guro na di na kailangang kaagarang pagkikita sa silid aralan lalo na sa mga pagkakataong may di kayo nauunawaan. Alam kong ang nakakarami sa inyo ay may kaalaman na kung paano gawin ang blogging.  Bagama’t may mga iba pang di gaaanong nakakatuklas ng mga kabutihang maidudulot nito, ang blog page ang siyang magbibigay daan para ang lahat ay maaaring magtulungan. Kung kayo ay may katanungan sa takbo ng ating pag-aaral, maari kayong magtanong sa blog page na ito. At dito rin ilalabas ang kasagutan sa inyong mga katanungan. Patuloy niyo itong tangkilikin sapagkat dito matatagpuan ang posting ng mga babasahing materyal na di niyo na kailangang kopyahin ang mga Powerpoint Presentations tuwing tayo ay nakikipagtalastalasan sa silid-aralan. Maari niyong silipin ang syllabus sa pamamagitan ng pagclick ng tamang widget na pinangalanang Category na nasa gilid ng blog page upang malaman ang kabuuan ng inyong pag-aaral. Bago pa man magtapos ang semestre, nais kong matutunan din ninyo kung paano gumawa ng inyong sariling web page dahil doon ko hahanapin ang aplikasyon ng inyong natutunan. Mangyari lamang ibigay ang inyong URL address upang maiugnay ito at maihanay sa blogroll upang kayo ay maging ganap na bahagi ng blog page na ito. Harinawa ay maging kaaya-aya ang inyong pag-aaral ng Panimulang Lingguwistika.

 Ang inyong guro at kaibigan

Ely

6 Responses to Paunang Salita sa Mga Mag-aaral

  1. Anton says:

    Ma’am Ely,

    Naantala po ang aking pagdating sa klase at di ko naabutan kung saan po makikita ang mga gagamiting libro.

    Anton

  2. janice says:

    Anton,

    Dito ka nabibilang sa aming grupo nina Sherwin, Gerald, Margie, at Elena. Tayo ay magkikita bukas sa Chowking, Ground Level ng Southgate Mall upang pag-usapan ang ating gagawing Personal Webpage. May listahan ako ng mga librong gagamitin natin. Huwag ka ng magpaantala at baka ikaw ang babayad ng snacks..lol

    Janice

  3. Gerald says:

    Anton,

    Magdala ka nga pala ng USB. Gagamitin nating pang-back up. See you bro.

    Gerald

  4. Anton says:

    Mga groupmates,

    Salamat sa info. Hwag na lang sa chowking. Pumarito na lang kayo sa bahay at dito na natin pag-usapan ang project. May internet connection ang pc ko..Dont worry. Free merienda dahil birthday ko lang po.

  5. Sherwin says:

    Anton, happy birthday bro.

    Sherwin..hehe pwede na akong makikain bukas.. siyanga pala.. may usb ako..i’ll have it with me tomorrow.. c u. ciao..

  6. eleanorperez says:

    Anton,

    Birthday mo pala. Makikikain na rin ako sa inyo. Alalahanin mo ako ang nagbibigay ng grado. c”,)

    ang iyong guro

    Ely

Leave a comment