Syllabus

February 9, 2008

Asignatura: Panimulang Lingguwistika

Code: Major 2
Guro: Dr. Elearnor Bongcawel-Perez Departamento:  Filipino
Blog: https://uzplingguwistika.wordpress.com Kolehiyo: College of Education and Liberal Arts
Unang Klase: Lunes, Miyerkules, Biyernes,8:00AM, AVR School Year: 2008-2009
Ikalawang Klase: Martes, Huwebes, at Sabado10:00AM, AVR Semestre: Unang Semestre

DISKRIPSIYON: Ang Paunang Lingguwistika ay isang asignatura na tumatalakay sa mga aspeto o elemento ng wikang Filipino. Pinag-aaralan sa asignaturang ito kung paano nabuo ang nasabing wika ayon sa kasaysayan, pagbabago, at kahalagahan nito sa pakikipagtalastasan na may kinalaman sa kultura, pamumuhay, at kaunlaran bilang isang malayang bansa.  

Mga Mithiin:

1. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa mga iba’t ibang aspeto ng Lingguwistika saklaw ang kasalukuyang nagaganap na ebolusyon ng wika sanhi ng mga iba’t ibang prosesong morpolohiya at ang implikasyon nito sa pakikipagtalastasan.

2. Maiabot sa kapwa mag-aaral at guro ang mga paksang di gaanong maunawaan sa pamamagitan ng blogging upang ito ay agad mabigyan ng pansin at kasagutan.

3. Magamit ang natutunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ibat ibang uri ng aplikasyon na naaayon sa paksa at direksiyon ng guro.

4. Maipasa ang lahat ng mga pagsusuri sa bawat paksang naatasang pag-aralan upang sa kabuuan maituturing matagumpay na naipasa ang Panimulang Lingguwistika. 

 MGA PAKSA:

  • Dibisyon, especialidad, at mga napaloloob na subfields
  • Variation
  • Tatlong Katangian ng Wika
    • Kontekstual na Lingguwistika
    • Functional na Lingguwistika 
    • Diachronic na Lingguwistika 
  • Preskripsiyon at Diskripsiyon
  • Pinagkaibahan ng Pananalita sa Panunulat
  • Kasaysayan ng Lingguwistika

BATAYAN SA PAGBIBGAY NG MARKA

  • 30% Partisipasyon sa klase at sa blog page
  • 30% Aplikasyon
  • 30% Pagpasa sa mga pagsusulit
  • 10% Attendance 

REFERENCES 

  • Textbooks
  • Mga Gawaing Pang-akademya
  • Mga Gawaing Popular
  • Mga Libro 
  • Mga Electronic na Materyal